12-anyos binaril ng 11-anyos kapitbahay

SUGATAN ang 12-anyos na binatilyo nang mabaril ng kanyang 11-anyos na kalaro sa Sitio Lawis, Brgy. Pasil, Cebu City sa ulat ng pulisya.

Kinilala ang biktima sa pangalang Adrian, patuloy pang nilalapatan ng lunas sa pagamutan, habang nasa pangangalaga na ng pulisya ang 11-anyos na si Jay.

Nabatid na naglalaro ang dalawa gamit ang isang totoong baril nang aksidenteng makalabit ni Jay ang gatilyo na tumama sa ulo ng biktima.

Inaalam na ng pulisya kung kaninong baril ang ginamit ng suspek.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply