12 construction equipment sinunog ng NPA sa Albay

TINATAYANG 12 mga construction equipment ang sinunog ng hinihinalang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa nangyaring engkwentro sa Albay kagabi, Mayo 18.

Nabatid na  dakong alas-9:35 kagabi nang salakayin ng mahigit sa 10 miyembro ng NPA ang detachment ng 2nd Infantry Battalion Philippine Army na nagbabantay ng mga gamit para sa international airport project sa bahagi ng Barangay Alobo, Daraga.

Tumagal nang  tatlong minuto ang labanan  kung saan  nasugatan sina Pfc. Dapayao at Pfc. Cornal. Base sa inisyal na ulat, kasabay ng putukang naganap,  ilan sa mga rebelde umano ang nanunog nang ilang kagamitan sa lugar.

Kasalukuyang nagsasagawa ng  hot pursuit operation ang mga tropa ng militar sa mga tumakas na rebelde.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply