12 IED ng NPA nasabat sa Compostela Valley

UMAABOT sa 12 ready to detonate improvised landmine na pinaniniwalaang kasama sa military arsenal ng Communist New Peoples Army ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Army 71st Infantry Battalion sakay ng isang dump truck sa Compostela Valley.

Sa ulat ng militar kanina, bandang alas-10:00 kagabi nang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Army sa checkpoint ang puting Fuso dump truck (RLG-737) na minamaneho ng isang Oliver Bulosan, 35, sa Barangay Kingking, Pantukan, nabangit na lalawigan.

Ayon kay Major Jacob Obligado, 10th civil military operations commander, agad nilang inaresto ang driver matapos madiskubre ang napakaraming improvised landmine na karga nito.

Sa pagsisiyasat, naging kahina-hinala ang driver matapos parahin sa nasabing checkpoint kaya initos siya na rekisahin ang nasabing dump truck na nagmula Davao Oriental at lumalabas na pag-aari ng isang Bonito Pido ng Camarin, Caloocan City.

Inihayag ni Army Capt. Janaloden Sanggacala, 71st IB spokesperson, “So the policemen and the soldiers started inspecting the vehicle. It turned out he had an illegal cargo.”

Agad na nagtungo sa area ang mga elemento ng Compostela Valley police explosive and ordinance disposal team (EODT) upang masuri ang mga nakumpiskang pampasabog kasabay ng paghahanda naman ng kaukulang kaso laban sa driver na hinihinalang kaalyado ng mga rebelde.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply