12,000 nagkatrabaho sa Labor Day job fairs– DOLE

TINATAYANG mahigit 12,000 indibidwal ang natanggap sa trabaho sa mga isinagawang job fair ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa buong bansa noong Labor Day.

Ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz, batay sa updated report na kanilang natanggap, nasa 12,429 aplikante ang nakakuha kaagad ng instant job o kumakatawan sa 19 porsiyento ng kabuuang 64,916 qualified applicants.

Inaasahan namang madaragdagan pa ang bilang ng mga natanggap sa trabaho dahil may ilan pa umanong regional offices ng DOLE ang hindi pa nakapagpapadala ng report sa kanilang punong tanggapan.

Nabatid na nasa 95,263 aplikante ang nagpagrehistro sa naturang one-day activity, at sa naturang bilang ay 79,093 ang na-interview.

Sa ilang lugar tulad ng Central Luzon, Regions 11 at 12, Caraga at Cordillera, na-extend pa ng isang araw ang job fair.

Ilan sa posisyong napunuan sa job fairs ay marketing officer, sales clerk, welder, promodizer, HR assistant, office staff, welder, IT specialist officer, sales assistant, waiter, IT sales specialist, technicians, warehouse man, computer technicians, HR staff, stockman, visual merchandiser, store supervisor, graphic artist, mechanical engineer, document controller at store manager.

Pinayuhan naman ni Baldoz ang mga jobseeker na hindi agad na natanggap sa trabaho na huwag mag-alala dahil lahat ng job vacancies na iniaalok ay nakapaskil online sa Phil-JobNet.

“Normally it takes time—several days, or weeks—for a job-seeker to apply and land a job successfully. For a job-seeker to be hired on-the-spot, in just a day or less, and for an employer to get their skilled manpower in the same period, translates to less inconvenience, and therefore, more productive results,” aniya pa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply