Nadine Samonte at Iwa Moto biktima ng makamandag na nota ni Leandro Munoz!

IISA ang naging kalaparan nina Nadine Samonte at Iwa Moto nang pareho silang nahulog ang loob kay Leandro Munoz nang pareho silang maka-partner ng actor habang ginagawa nila ang kani-kanilang soap opera kung saan ang aktor ang kanilang leading man. Hindi itinatanggi ni Nadine nang magkasama sila ni Leandro sa The Sisters ay nagkaroon sila ng short love affair. Noon naman kasi ay nagkagalit si Nadine at kanyang boyfriend na si Emerson Chua.

Ilang buwan din ang affair nina Nadine at Leandro. Hindi sila mapaghiwalay na dalawa noon. Laging nakabuntot si Leandro kahit saan pumunta si Nadine.

Pero nang natapos na ang The Sisters, umuwi agad si Leandro sa America dahil may iniwanang trabaho doon. Nagpapaalam lang ito sa kanyang boss kapag may natanguang commitments sa TV5. Naglaho rin ang pag-iibigan nina Nadine at Leandro dahil ‘di na sila nagkitang muli at nakipagbalikan sa kanya si Emerson Chua.

Samantala, nang gawin naman ni Iwa Moto ang Felina, Prinsesa ng mga Pusa, ‘di rin nakaiwas ang sexy actress sa sex appeal ni Leandro Munoz. Naging mag-on din sila sa duration ng taping ng Felina.

Ang mga pangako ni Leandro na magbabalik agad siya sa Pinas para rito na manirahan ay napakong lahat.
Di na ito nakabalik ng bansa habang wala pang tawag ang TV5 ng bago niyang assignment.

Resulta, hiwalayan blues rin ang dalawa.

***

TALAGANG lalo ngayong nagpapaseksi si Marian Rivera kapag pumupunta siya sa mga showbiz gatherings (Ows? talaga lang, huh? Hahahahahaha! – Ed). Buhat ito nang nagkaroon ng  buntis isyu kaya ang ginawa ng syota ni Dingdong Dantes nang pumunta siya sa presscon ng latest soap niyang Tweets For My Sweets ay nagsuot siya ng white dress na very revealing ang pagkakagawa ng kanyang paboritong couturier.

Sa interview, nagpasaring lang siya nang ganito: “Kung buntis ba ako ay nakapagsusuot ako ng ganito kaseksi at puti pa man din ang damit?“

Bukod pa rito ay never nag-a-absent si Marian sa taping ng kanyang daily soap, ang My Beloved (Di ba dapat My Gilagid? Hakhakhak! – Ed). Saka laging on time rin siya sa set ng Tweets For My Sweet.

Lagi siyang masaya (Charot! If I know, kabado ang banong aktresa dahil may bagong leading-lady sa Dos ang papa -ru niya! – Ed) at nakikipagtawanan sa mga co-stars niya sa dalawang programa.

Ang talagang buntis sa My Beloved ay si  Katrina Halili. Nagkaayos na raw ang dalawa at talagang harmonious na ang kanilang working relationship.

000

MAY bagong soap opera si JC Tiuseco. Second lead siya sa Daddy Dearest kung saan ang bida rito ay si Ogie Alcasid.

Kahit second lead, may ka-love team siya in the person of Pauleen Luna. Aba! kapag may ka-love team ang aktor ay lagi siyang nali-link sa kanyang kapartner. Tulad na lang noon kay Maxene Magalona. Inamin namang pareho nina JC at Maxene na naging silang dalawa noon.

Nang nakasama ni JC si Sarah Lahbati bilang katrianggulo nina Sarah at TJ Trinidad sa Kokak, na-link din siya kahit paano kay Sarah.

Eh, pareho naman daw single ngayon sina JC at Pauline, ma-in love kaya ang binata sa dalaga? Matagal na kasing single si JC eh.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply