Inay tinaga ni itay, 8-anyos na anak nahagip

WAKWAK ang mukha ng isang walong taong gulang na batang babae matapos itong mahagip ng taga ng kanyang sariling ama sa Laoag City, kagabi (Mayo 1), ayon sa ulat ng kapulisan ngayon.

Base sa Camp Crame report nagtamo ng malalim na sugat sa mukha ang biktimang si Amor (hindi tunay na pangalan) na kasalukuyang inoobserbahan sa Laoag City General Hospital.

Agad namang nadakip ng mga awtoridad ang suspek matapos ang insidente.

Base sa inisyal na pagsisiyasat ng Laoag City PNP hinahanap ng ama ang kanyang asawa at natagpuan niya ito sa bahay ng kanilang biyenan.

Dahil dito biglang nagpuyos sa galit ang suspek at umuwi ngunit pagbalik ay may bitbit na itong itak at agad na hinabol ang asawa.

Nang makadikit ang lalaki sa kanyang maybahay ay agad niya itong tinaga subalit sa halip na ang ina ang tamaan ay nahagip nito ang kanyang anak na nagtamo ng sugat sa kaliwang bahagi ng kanyang mukha.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply