Demolisyon sa Silverio compound iimbestigahan na

UMARANGKADA na ang imbestiagsyon ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa naganap na demolisyon sa Silverio Compound sa Parañaque City kung saan isang ang namatay at marami ang nasugatan.

Ito ay alinsunod sa utos ni Justice Secretary Leila de Lima.

Inimbitahan naman ng NBI si Parañaque Rep. Edwin Olivarez upang magbigay-linaw sa insidente at makapgsumite na rin ng kanyang affidavit.

Magugunitang naging magulo at madugo ang nasbing demolisyon matapos na magkagirian ang pulisya at mga residente ng Silverio compound.

Pansamantala namang ipinatigil ang demolisyon alinsunod sa umiiral na status quo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply