PNoy hugas-kamay sa kahirapan ng Pinas– GMA camp

NAGHUGAS-KAMAY lamang umano si Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III sa ginawang talumpati nito sa 45th annual meeting ng ADB board of government, ayon sa kampo ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Anila, ang mga batikos ni Pangulong Aquino na pinakawalan sa naturang annual meeting ng ADB board of governors ay isang pagtatakip dahil hindi natugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan na lalong dumaranas ng kahirapan sa panahon ng kanyang panunungkulan.

Sinabi ng kampo ni Arroyo na naghahanap lamang ng masisisi si Pangulong Aquino para pagtakpan ang kabiguan nitong matugunan ang mga
problema sa ekonomiya.

Kabilang na dito ang kakulangan sa trabaho at pagdami ng bilang ng mga Pilipino na ang tingin sa sarili ay mahirap.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply