Kelot ‘di binalikan ng ka-live-in, nag-suicide

NAGPATIWAKAL sa pamamagitan ng pag-inom ng hinihinalang kemikal na nakalagay sa isang bote ng mineral water ang isang lalaki matapos na mabigong makuha muli ang kanyang asawa sa Tondo, Maynila, kahapon (Linggo, Mayo 6).

Nakilala ang biktima na si Rommel de Roxas, 32, construction worker at residente ng 58 Bubog St.,San Isidro 2, Paombong, Bulacan.

Ayon kay SPO1 Gerardo Rivera, dakong alas-2:30 kahapon ng mangyari ang insidente.

Sa imbestigasyon, napag-alaman na naging ka-live-in ng biktima si Jerame Valdez noong 2003 ngunit hiniwalayan din ng huli ang una noong taong 2008 matapos na mapag-alamang kasal na ang bitkima sa ibang babae.

Minabuti ni Valdez na lumuwas ng Maynila mula sa Bulacan kung saan nagtrabaho bilang factory worker sa New Harbor Factory sa Balut.

Dito, nakilala naman niya si Jovy dela Cruz na isa namang construction worker at nanirahan bilang mag-asawa sa nabanggit na lugar kung saan namatay ang biktima.

Sa hindi inaaasahang pagkakataon, makalipas ang mahabang panahon ay biglang lumutang ang biktima sa inuupahang bahay nina Valdez at dela Cruz at umaasang babalik pa sa kanya ang dati niyang kinakasama.

May dalang bote ng mineral water ang biktima na hinihinalang kemikal at habang umaakyat sa hagdanan patungo sa inuupahang kuwarto nina Valdez at dela Cruz ay unti-unti namang iniinom ang laman nito.

At nang maiabot ng bitkima kay Dela Cruz ang isang suicide note para kay Valdez ay bigla na lamang itong bumagsak sa sahig at hindi na ito nagising pa.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply