UPDATE: 11 patay sa sunog sa Butuan City

NAREKOBER ng mga bumbero at miyembro ng SOCO ang 11 bangkay sa nasunog na commercial building sa J.C Aquino sa may kanto ng Montilla Boulevard, Butuan City.

Ayon sa Bureau of Fire Protection Butuan, na under control na ang sunog na nagsimula kaninang alas-4:00 ng madaling araw.

Base sa imbestigasyon, umabot sa general alarm ang sunog na sinasabing nagsimula sa Novo Jeans and Shirt store at nadamay ang mga katabing establisimyento.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga nakuhang bangkay na hinihinalang pawang mga stay-in worker ng naturang tindahan.

Nakaligtas naman ang tatlong stay-in worker habang pinaghahanap pa ang may sampung kasamahan ng mga ito.

Ayon sa mga survivor, nakarinig sila ng malakas na pagsabog bago magsimula ang apoy.

Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply