Bebot na dadalo sa hearing, inambus sa Batangas

ISANG babae na dadalo sana sa isang hearing ang inambus sa Batangas ngayong umaga.

Ayon sa nakalap na impormasyon, ang naturang babae ay dadalo sana sa isang hearing ng kaso na may kinalaman sa droga nang maganap ang pamamaril.

Nabatid na nag-aabang ng sasakyan ang babae nang lapitan ng mga suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril.

Patuloy na iniimbestigahan ang pangyayari at tinutugis na rin ang mga tumakas na suspek.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply