VACC sa DOJ: WPP lagyan ng pangil

UMAPELA ang  grupong Volunteers Against Crime and Corruption sa Department of Justice na gumawa ng hakbang upang maamyendahan ang batas at mabigyan ng pangil ang Witness Protection Program.

Binigyan diin ni VACC founding chairman Dante Jimenez, na kailangang baguhin ang rules of engagement sa WPP lalo na ang paghawak sa state witness sa isang kaso.

Bukod pa sa rules on engagement at iba pang panuntunan na sumasaklaw sa WPP, nais din ni Jimenez  na madagdagan ang pondo ng ahensya.

Ang pahayag ni Jimenez ay kaugnay pa rin sa naganap na pagpaslang sa star witness sa Dominguez carnapping syndicate na si Alfred Mendiola.

Si Mendiola ay isinailalim sa WPP subalit lumabas sa pangangalaga ng ahensya sa pamamagitan ng isang waiver, kahit na nanganganib ang kanyang buhay.

Tiniyak naman ni Justice Secretary Leila de Lima na pinagtutuunan na ito ng pansin ng administrasyong Aquino.

Ayon sa kalihim ang pagbago sa mga panuntuna ng WPP ay kabilang sa mga priority bill ng administrasyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply