Erap tatakbong alkalde ng Maynila

INAASAHANG pormal na ihahayag ni dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada ang kanyang pagtakbo bilang alkalde ng Maynila sa Sabado (Mayo 12).

Kaninang umaga ay lumipat na ang dating Pangulo sa kanyang bagong bahay sa Manga Avenue, Altura, Sta. Mesa, Manila.

Tutungo naman bukas (Mayo 10) si Estrada sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) upang isumite ang kanyang tranfer of residency.

Ayon sa dating Pangulo, handa na siyang paglingkuran ang mga taga-Maynila sa susunod na tatlong taon, sakaling magtagumpay sa kanyang hangarin na maging punong opisyal ng lungsod.

Ipinagdiinan pa ni Estrada na hanggang sa kanyang huling hininga ay maglilingkod siya sa Maynila.

Si Estrada, 75-anyos, ay isinilang sa Manuguit, Tondo, Maynila noong 1937.

Siya ay matagal na nanirahan sa Polk Street, Greenhills, San Juan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply