DOH: Bilang ng nagpapagamot ng sakit na TB bumaba sa Region 6

NABABAHALA ngayon ang Department of Health (DOH) Region 6 dahil mababa ang bilang ng mga may sakit na tuberculosis (TB).

Ayon kay DOH Region 6 TB Coordinator Dr. Edith Gimotea, noong nakalipas na taon ay nakapagtala sila ng 277 indibidwal na may sakit na TB ngunit 55 lamang ang nagpagamot.

Sinabi ni Dr. Gimotea na libre naman ang pagpapagamot ng sakit na TB sa pamamagitan ng directly observed treatment short course o DOTS na maaaring ma-avail sa western Visayas Medical Center sa Iloilo, riverside medical center sa Bacolod City at Roxas City health office.

Kaugnay nito, nanawagan naman ang doktor sa publiko na mabuting magtakip ng kanilang bibig kapag umuubo kahit pa wala itong sakit na TB.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply