Operators ng nasunog na gusali sa Butuan City hinahanap na

HINAHANAP na ngayon ng awtoridad ang mga Taiwanese na nagpapatakbo ng nasunog na Novo department store sa Butuan City kahapon (Mayo 9).

Ayon kay Senior Supt. Pedro Obaldo, hepe ng Butuan City Police, hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa lumulutang ang mga Taiwanese national na pawang nago-operate ng naturang gusali.

Anang opisyal, iimbestigahan nila ang mga Taiwanese national pati na ang Filipino partner nito upang malaman kung may kinalaman ang mga ito sa naganap na sunog.

Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection, wala nang nawawala sa trahedya gaya ng unang napaulat dahil 20 lamang at hindi 28 ang mga empleyadong natutulog sa gusali nang maganap ang sunog.

Sa insidente tatlo ang nakaligtas nang tumalon ang mga ito mula sa ikalawang palapag ng gusali.

Ayon sa report na tinanggap ni Obaldo kumpirmadong 17 ang namatay sa sunog.

Hanggang sa ngayon wala pang inilalabas na resulta ang BFP kaugnay sa tunay na sanhi ng sunog.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply