Panamanian embassy kinalampag ng Gabriela

KINALAMPAG ng samahan ng mga kababaihan na Gabriela ang Panamanian embassy sa Makati City, kaninang umaga, para iharap ang suspek na nanggahasa sa isang Pinay.

Bitbit ang kanilang mga placard, iginiit ng grupo and pag-waive ng Deplomatic immunity ng Panamanian diplomat na si Eric Shcks na nasasangkot sa panggagahasa sa isang 19-anyos na Pinay.

Kasabay nito, kinondena rin ng grupo ang ginawang aksyon ni Panamanian ambassador to the Philippines Robert Carlos Moreno na naging hudyat para mapalaya si Shcks dahil ito umano ang naghayag na palayain ito dahil sa isyu ng diplomatic immunity.

Matapos ang kanilang rally sa embahada, tumungo naman sa Department of Justice ang grupo upang hilingin sa kagawaran na gawan ng paraan para maisulong ang kasong rape laban kay Shcks.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply