7 minero todas sa nakalalasong hangin

HINDI na nakalabas pa nang buhay ang pitong small scale miner matapos silang ma-suffocate sa nakakalasong hangin na sumingaw sa loob ng hinuhukay nilang tunnel sa Barangay Mati sa lalawigan ng Surigao kaninang umaga.

Base sa insiyal report na ipinarating sa tanggapan ni PNP Spokesman P/Chief Supt Agrimero Cruz Jr., ipinagbigay alam ni Bernan Abella, isa sa mga survivor, na nakaranas ng hirap sa paghinga ang kanyang mga kasamahan habang nagtatrabaho.

Nabatid kay Abella na biglang sumingaw ang nakakalasong hangin sa lupang hinuhukay na itinuturong dahilan ng kamatayan ng kanyang pitong kasamahan.

Sa pagsisiyasat ay lumalabas na walang tamang equipment ang mga minero habang isinasagawa ang paghuhukay ng lupa.

Bukod dito ay sa wala ring permit ang kanilang operasyon.

Bunsod ng insidente, ipinag-utos na ni Mayor Ernesto Matugas ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa naturang insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply