DECEMBER 21, 2012

ANO nga kaya ang mangyayari sa DECEMBER 21, 2012?

Marami ang natawa at marami rin ang natakot sa mga kumakalat na balita na magugunaw na ang mundo sa darating ng DECEMBER 21, 2012.

Ilang dokumentaryo na ang ginawa at ilang balita na ang lumabas ukol sa “dooms day” na lubhang lumikha ng takot lalo na’t papalapit na ang DECEMBER 21, 2012.

Sinasabing nagsimula ang prediksyong ito sa Mayan calendar na nagtatapos sa DECEMBER 21 na papatak ngayong taon sa ganap na ika-7:11 ng gabi (sa Pilipinas).

Ayon sa mga pananaliksik ang mga Mayan ay mahuhusay na astronomers at mathematician. Mataman nilang pinag-aaralan ang kilos ng mga planeta at mga bituin sa langit dahil sa “precise mapping” ng mga heavenly body na ito nakadepende ang kanilang kabuhayan at pamumuhay.

Marami pang sumuporta sa prediksyong ito base na rin sa pag-aaral ng mga eksperto. Kalat na kalat na ang mga ito sa internet, na isang magandang medium para mabilis na mapaabot sa maraming tao sa iba’t ibang parte ng mundo ang naturang balita.

Batay naman sa NASA, magkakaroon ng “galactic alignment” ang mundo at araw sa gitna ng Milky Way Galaxy na hindi pangkaraniwang nangyayari sa DECEMBER 21, 2012. May pag-aaral din na lumabas na may butas na ang protective layer ng Earth na panangga nito sa matinding sikat ng araw. At sa oras na mag-align umano ang mundo at araw ay direktang papasok ang napakatinding init sa mundo na lubhang mapanganib sa tao.

May ulat rin na nagsabi na may kometang tatama sa mundo na siyang posibleng makawasak sa tahanan ng tao.

May mga dokumentaryong lumabas kung saan ipinakita na aksidenteng nakuhanan ng video ng isang sikat na international news channel sa mundo, na may mga elitistang nagpapagawa na ngayon ng malaking barko para kanilang masakyan sakaling lamunin ng malaking tubig ang mundo gaya ng nangyari sa sa istorya ng “Noah’s Arc” sa Catholic Bible.

Nagpapatayo na rin ang mga elitista ng mga city o mga lungsod sa ilalim ng lupa kung saan sila nagpapagawa ng mga condominium na kanilang pagtataguan sa oras na dumating na ang kinatatakutang araw.

Bumibili o mas tamang sabihin na pinapakyaw na nila ng malakihan ang mga pangunahing bilihan gaya ng pagkain at tubig at iniimbak o itinatago para may makain at mainom sila pag dumating ang kinatatakutang araw.

Marami ang naniniwala, marami ang hindi. Kanya-kanya ng opinyon ngunit sa totoo ay walang sinuman ang talagang nakakaalam kung kailan magugunaw ang mundo at kung may mangyayari nga sa DECEMBER 21, 2012.

Power of prayers

Ang tanging magagawa lamang natin ay maghintay at sabayan ng panalangin na sana ay may magandang bukas na naghihintay sa sangkatauhan pagkatapos ng DECEMBER 21, 2012.

Nakatutuwang pinangunahan ng sikat na motivational speaker ng bansa na si John Calub ang pagbuo ng kampanyang tinawag na “UNITE TO PRAY.”

Si Calub ay naglibot sa iba’t ibang panig ng mundo upang mangalap ng impormasyon ukol sa “dooms day.” Aniya, naniniwala siya na may magaganap sa DECEMBER 21, 2012 ngunit sinabi niya na kung anuman ito ay hindi niya alam.

Sa ngayon, target ng grupo ni Calub na makaimpluwensiya ng 1,000,000 Filipino o mas higit pa, upang sabay-sabay na manalangin tuwing ika-7:11 ng gabi (oras sa Pinas) araw-araw para sa magandang kinabukasan ng sanlibutan.

Kahit ano pa ang relihiyon ay malugod na inaanyayahan na makiisa para sa nasabing kampanya.

“Thoughts become things,” ani Calub.

Naniniwala siya na kung milyun-milyon o bilyon-bilyon na Pinoy at banyaga mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang makikiisa sa pagdarasal para sa pagmamahal, kapayapaan at kapatawaran ay malaki ang posibilidad na maimpluwensiyahan nito ang kasaysayan ng mundo para sa magandang kinabukasan.

Opisyal na ilulunsad ng grupo ni Calub ang website ng UNITE TO PRAY sa Sabado, Mayo 12, 2012 sa SMX Convetion Center, SM Mall of Asia.


11 Responses for “DECEMBER 21, 2012”

  1. Teodorico P. Asuncion says:

    Matagal kunang binibigyan ng babala ang mga tao gamit ko ang internet para mas mabilis kung maipaabot ang mensahi sa akin ng ating Amang Dr. Jose Rizal na magsipaghanda na tayong lahat dahil bababana siya ngunit pinagtatawanan nila ako na ako daw ay nababaliw na.Wala akung magagawa kung ang mga tao’y kulang sila paniniwala sa akin lamang ay mabigyan ko ng mga tao ang babala at maituro ko sa mga tao ang mga dapat nilang gawin at ihanda sakaling darating na ang oras ng hangganan ng ating mundo para silay mayroong sandata na pananggalang upang tayo’y maligtas sa oras ng hangganan na iyon ang sinabi sa akin ng ating Amang Bathalang Dr. Jose Rizal na siyang pangalawang KRISTONG darating sa katauhang KRISTONG TAGALOG na siyang magsasalba sa Pilipinas at sa buong mundo sa oras ng hangganan.Pinagsabihan kuna lahat ng mga malalaking sekta ng mga relihiyon sa Pilipinas ngunit walang naniniwala sa akin ni isa man.Ngayon at papalapit na ang oras ng hangganan at saka lamang maniniwala ang mga tao sa akin kung andiyan na at hindi nakapaghanda ang mga tao.Ang nasabi ng mahal na Amang Dr. Jose Rizal sa akin ay hindi magugunaw ang mundo mababago lamang at maraming tao ang mangamatay at 1/3 lamang ang matitirang papolasyon dito sa buong mundo kasama na ang Pilipinas sa 1/3 na matitira dahil ang Pilipinas ang siyang SAGRADONG LUPAIN na PANGAKO sa atin ng ating mahal nating AMA sa kaitaasan na siyang magiging BAGONG JERUSALEM at dito itatayo ni Amang Bathalang Dr. Jose Rizal ang TEMPLO at kaharian niya sa takdang oras.Marami ang mga ipinahahanda na nasabi sa akin ni Amang Dr. Jose Rizal upang kung sakali mang bababana siya ay makapaghanda ang mga tao ngunit wala ni isa man lamang sa akin na naniwala sa mga sinabi ko.Hindi ko ipinagpipilitan kung ayaw ng mga tao na maniwala akin lamang hangad ay masabi ko sa lahat kung ano ang mga dapat nilang ihanda at gagawin kung darating na ang oras ng hangganan.Sabagay sino nga naman akung paniniwalaan ng mga tao isa lamang akung hamak na taong nabubuhay dito sa mundo ngunit hindi ninyo alam ang mga sekretong nalalaman ko tungkol sa makatutuong pagsamba sa ating mahal na Panginoon.

    • joe sapin braken says:

      buwang ka nga. hindi si rizal ang kumausap sa iyo, kundi ang diablo na nag-anyong si jose. kaya tigilan mo ang kabalwian mo dyan. baka sa susunod si baklitang panot naman ang kumausap sa u dahil malapit na rin siyang gawing santa ng mga yellow zombies niya.

  2. walang nakakaalam kung kailan ang muling pagparito ng Panginoong Hesus. Siya mismo ay hindi Niya alam kung kailan Siya muling susuguin ng Diyos.

  3. kahlua says:

    @prince pauper, i totally agree with you. At anong sinasabi nung nasa itaas natin na Kristong tagalog raw? Kailan pa naging amang bathala si Rizal? Teka, na-canonized ba sya, kelan pa?

  4. kristulo aquiqui says:

    c pnoy ang sinasabi ni mr asuncion na darating galing laos. si pnoy kc ang ina ng laging saklolo ng mga kkk.

  5. Teodorico P. Asuncion says:

    Hintayen natin ang takdang oras at malapitna at sasabihin ko sa inyo na kayo ang buang.Iyang mga pinagsasabi ninyo ay kakainin ninyo pagdating ng takdang panahon na magdidilim sa buong mundo at wala ni anumang sisindi at walang makapagluto ng kakainin at lilindol ng pinakamalakas at hindi na kayo makatindig at kayo’y gagapang sa pagkalakaslakas na lindol na ating mararanasan siguro dito na kayo matatauhan at dito ninyo maalaala ang mga nasabi ko ngunit huli na kayo wala kayong kaalaman na pababana ang ating mahal na Panginoon at paano ang gagawin ninyo para kayo’y makaligtas sa oras ng panghuhukom ng ating mahal na Panginoon at tingnan natin kung saan kayo huhugutin sa oras ng takdang panahon dahil paparatingna ang ARMAGEDDON.HW77

  6. Teodorico P. Asuncion says:

    Iyang mga nasabi ninyo ay nakasulat na iyan sa Book of life ninyo at hindi na iyan mabubura at babasahin sa
    harapan ninyo bago kayo papasukin sa pintuan ng Templo ng kaharian ng ating Panginoon kung kayo’y nararapat at karapatdapat kayong makapasok sa kaharian ng ating mahal na Panginoon.Hintayin natin ang takdang oras dahil paratingna at sasabihin ko sainyo unang baitang lamang ng hagdanan ng Templo ay hanggang doon na lamang kayo at hindi na kayo makapasok sa loob ng kaharian ng Diyos at kawawa naman kayo mapupunta kayo sa kaliwang kamay ng ating Panginoon at dito na kayo kukunin ni diyablo dahil nararapat kayo sa kanyang kaharian.Unang halakhak ay sainyo pagdating ng takdang oras sa akin parin ang huling halakhak itaga ninyo iyan sa bato.Umpisahan na ninyong pagdadasal dahil paparatingna ang kadiliman at malakas na pagyayanig sa buong sanlibutan at kung magaganapna ito siguro matatauhan na kayo ngunit huli na kayo hindi ninyo alam ang dapat ninyong gawin para kayo’y makaligtas sa oras ng panghuhukom ng ating mahal na Panginoon.Diyan na kayo dihado dahil wala kayong kaalamalam kung papaano ninyo iligtas ang sarili ninyo di hamak na mas liamado ang taong
    mayroong kaalaman kaysa taong walang kaalamalam.

  7. Adonai A. Magno says:

    Ako’y isang rizalista at higit pa ang paniniwala ko kay amang Dr. Jose Rizal. Naniniwala ako sa sinabi ni kuya Teodorico. Malapit na ang kanyang paghahari dito sa mundo. Bago pa man mangyari ito ay katakot takot na kaguluhan ang mangyayari sa mundo. Sa gitna ng kaguluhan doon nya pasasayahin ang kalikasan o ang tinatawag na dilubyo. Hindi magugunaw ang mundo sapagkat gagawin nya itong bagong paraiso at ang mga nakatupad lamang ang syang pagkakalooban nito. Kayat hanggang maaga ay manalangin na tayo at pag sisihan na natin ang ating nagawang kasalanan. Walang makakapag sabi kung kailan iyon magaganap. Sa ngayon ay huwag tayong mabahala kundi mabuhay tayo ng matiwasay at masagana. Kung ang panahon ay malapit na diyos na ang bahala sapagkat kung ikay nakapasa ikay makakapunta sa lugar ng hindi ka maaabot ng hirap at sakuna at makakamit mo ang buhay na walang hanggan, sya nawa. Tayoy manalangin at magsipaghanda sapagkat ang panahon ay nalalapit na…

  8. Teodorico P. Asuncion says:

    Ako ay isang SAGRADA FAMILIA APOSTOLICA ROMANA na taga Dagupan Pangasinan.Nakakausap ang HOLY ESPIRIT ng ating Amang Dr. Jose. Rizal. at pinasasabi na niya na tayong lahat ay magsipaghanda na dahil bababana siya mula sa kalangitan at dito sa lupa kaya ko ginagamit itong Internet para mapabilis ang pagsasabi kung mga tao’y maniniwala.Ito na lamang ang pakakatandaan nating lahat na mga kababayan na sinabi ni Amang Dr. Jose Rizal na palatandaan na siya’y babalik na dito sa lupa.Kung ang kidlat ay umaapoy na hindi pangkaraniwang kidlat at napakaliwanag ng kalangitan na magsisimula sa silangan at magtatapos sa kanluran.Susunod ang nakakatiling dagundong ng lakas ng kulog halos mga tao’y mabingina at magsisimula sa silangan at magtatpos sa kanluran.Kung ang araw ay magiging gabi at baka abutin ng isang linggo o isang buwan ang pagdidilim at walang sisindi kahit ano at hindi na makapagluto ng makakain ng mga tao.Susunod ang pinakamalakas na lindol sa buong sanlibutan at mga tao’y hindi na makatayo sa lakas ng lindol bagkus gagapang ang mga tao at humihingi si ng awa sa ating mahal na Panginoon na sanay kaniya nilang iligtas ngunit huli na pababana ang mahal na Panginoon ang mga tao sa buong mundo ay hindi nakapaghanda sa pangalawang pagbabalik at pagkabuhay ni Amang Dr. Jose Rizal sa katauhang KRISTONG TAGALOG na siyang maghahari sa TEMPLO ng BAGONG Jerusalem at magsasalba sa Inang Bayang Pilipinas at sa buong sanlibutan sa nalalapit ng takdang panahon na hangganan ng ating mundong ginagalawan.Ang sabi ng AMA ay magkaisa tayong lahat na mga Pilipino na manalangin sa ating mahal na AMA sa kaitaasan na sanay kanya niya tayong ililgtas lahat kung darating na ang oras ng hangganan ng ating mundo.

  9. molina says:

    sana hndi magunaw ang mundongayn 7:11 ng gabi pls pray to god now and another time hndi man alo nanniwala sa pag gunaw ng mundo kailangan prin ntin magdasal

  10. Teodorico P. Asuncion says:

    Hindi magugunaw ang mundo iyan ang nasabi ni Amang Dr. Jose Rizal sa akin mababago lamang ngunit maraming mangamatay na mga tao iyan ang sabi ng AMA.1/3 lamang ang papolasyon ng buong mundo ang matitira kasama ang buong Bayan nating Pilipinas sa 1/3.Habang may panahon pa sana tayong lahat ay magkaisang manalangin sa ating mahal na AMA sa kaitaasan na sana’y kanya niya tayong patnubayan at iligtas lahat sa nalalapit ng hangganan ng ating mundong ginagalawan.Marami pa ang mga pagsubok na ating dadanasin ng mga tao sa buong sanlibutan bago ako bababa sa lupa iyan ang nasabi ng ating mahal na Amang Dr. Jose Rizal kaya tayong lahat sanay magsipaghanda na ano mang oras ay babalik na siya.

Leave a Reply

*
ABSCBN PUT MUCH EFFORT IN THEIR PRESS RELEASE OF T...
YUNG REPORT NG INCOME NG ABSCBN GALING MISMO SA NE...
BALITA SA SULOK NG GMA 7 DI NA MAGLABAS NG NET INC...
NYAHAHAHAHA SAAN NA ANG REPORT NG INCOME KAMUNING ...
Ayokong mag magaling at alam ko naman na di ko ala...
marian revira...
ABE, WALA PANG DALAWANG TAONG NAMAMAYAPA SI MANONG...
B.I. anne curtis and sam concepcion?...
Ms. Elech Dawa, ano po ang final standing ng mga p...
wag mo na tawagan si Purisima bingi at bulag din y...

BREAKING NEWS


© 2010 Remate | Ang Dyaryo ng Masa. All Rights Reserved.