Pagpapagamot sa abroad inihirit ulit ni GMA

SA IBANG bansa nais magpagamot ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo.

Ayon kasi sa ulat, nagkaroon ng komplikasyon ang naunang operasyon sa leeg ni Ginang Arroyo.

Ito raw ang kinalabasan ng isinagawang Quantum electrochemistry examination ng cardiologist ng dating pangulo na si Dr. Robert Anastacio.

Kahapon (Mayo 10) ay sumailalim ang dating Pangulo sa medical checkup sa Makati Medical Center, matapos ireklamo ang hirap sa paghinga at paninikip ng dibdib nitong mga nakalipas na linggo.

Maaalalang noong nakaraang taon lamang nang pinigilan ng Justice Department na makabiyahe sa labas ng bansa upang magpagamot ang dating Pangulo sa kabila ng pahintulot ng Korte Suprema.

Samantala, may posibilidad na pansamantalang makalaya na sa katapusan ng buwan ng Hunyo ang Pampanga solon.

Ayon kay Perla Domingo, tagapagsalita ng Pasay RTC Branch 112, matatapos na kasi sa Hunyo 14 ang bail hearing ni Gng.  Arroyo para sa kaso nitong electoral sabotage.

Una nang sinabi ni Atty. Renato Princesa, na may mga testigo si dating Maguindanao electional supervisor Atty. Lintang Bedol na magpapatunay na hindi siya kasama sa dayaan sa election noong 2007.

Kapag nakapagpaharap na ng mga testigo si Bedol ay submitted for resolution na ang motion to bail ng dating Pangulo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply