‘Brigada Eskwela’ ng DepEd aarangkada na

UUMPISAHAN na ng DepEd ang kanilang “Brigada Eskwela” sa Mayo 21 para sa nalalapit na pagbukas ng eskwela sa Hunyo 4.

Isang linggong magbabayanihan at magtutulungan ang mga estudyante, magulang at mga tauhan ng eskwelahan sa paglilinis at pag-aayos sa pasilidad ng eskwelahan.

Umaasa rin ang DepEd na marami ang makiisa at lalahok sa naturang aktibidad upang madagdagan pa ang tulong lalo na sa pagkukumpuni at pagpapatayo ng palikuran ng mga paaralan.

Nabatid na tinatayang 140,000 eskwelahan sa bansa ang walang palikuran na isa sa pinakamahalagang pangangailangan ng mga mag-aaral.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply