MRT nagkaaberya kaninang umaga

KINAPOS ang suplay ng kuryente kaya muling nagka-aberya ang biyahe ng Metro Rail Transit kaninang alas-7:37 ng umaga.

Dahil dito pinababa ang mga pasahero sa nagkaaberyang tren sa Ayala Avenue station na nagmula sa Magallanes station.

Ayon kay Atty. Hernando Cabrera, tagapagsalita ng Light Rail Transit Authority (LRTA ), kaya pinababa ang mga pasahero dahil kailangang patayin muna ang aircon at ilaw ng tren.

Umabot lamang sa limang minuto ang pagkakaistranded ng mga pasahero dahil inalis agad ang nagka-aberyang tren sa istasyon upang masuri sa Shaw Boulevard at hindi maantala ang iba pang biyahe.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply