Prosec tiwalang mabubuksan ang dollar account ni Corona

MALAKI ang tiwala ng prosekusyon na mabubuksan din ang dollar accounts ni cChief Justice Renato Corona sa kabila ng umiiral na temporary restraining order.

Naniniwala si Marikina Rep. Miro Quimbo na mapabubuksan din ng impeachment court ang dollar account ng punong mahistrado sa gitna ng napipintong pagtestigo nito sa paglilitis.

Ani Quimbo kung maglalabas lamang ng waiver si Corona na nagsasabing pumapayag siyang pabuksan ang kanyang dollar account sa Philippine Savings Bank ay saka lamang mababalewala ang TRO na inisyu ng Korte Suprema.

Ayon sa kongresista, malinaw din ang sabi ng mga abogado ni Corona sa impeachment court na ipapaliwanag ang lahat ng usapin tungkol sa dollar account.

Maaari aniyang ipasubpina na ng impeachment court ang dokumento kaugnay ng dollar deposits ng punong mahistrado o kaya naman ay maaari ring magkusa na si Corona na buksan ito sa gitna ng paglilitis.

Kasabay nito, inamin ni Quimbo na may takot pa ring nararamdaman ang prosekusyon dahil ang kanilang ipinalilitis umano ay chief justice na pangatlo sa pinakamakapangyarihang tao sa bansa.

Nangangamba si Quimbo na posibleng mag-backfire sa Kamara o sa prosekusyon kung hindi nila tatratuhing maayos at irerespeto ang punong mahistrado kapag humarap ito sa paglilitis.

Wala din aniyang dahilan na hindi irespeto si Corona at tiniyak pa nitong magiging mahinahon sila sa pagtatanong. (meliza maluntag)

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply