2 bagets nahagip ng tren, kritikal

NASA kritikal na kondisyon ngayon ang dalawang menor de edad matapos mahagip ng “Bicol Express” ng Philippine National Railways (PNR) sa Camarines Sur, ayon sa ulat ngayong umaga.

Nabatid na isa sa dalawang bata ay 50-50 ang tyansang mabuhay habang nasa intensive care unit ng Bicol Medical Center sa Naga City ang isa pang biktima.

Batay sa unang paulat, naglalaro ang dalawang biktima na hindi nakuha ang pangalan sa gilid ng riles pasado alas-8:00 kagabi sa bayan ng Libmanan nang maganap ang aksidente.

Ang nasabing Bicol Express ay galing sa Naga City at patungong Kalakhang Maynila.

Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa pangyayari.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply