Robin Padilla at BB Gandanghari nagka-ayos na!

VERY vocal si Robin Padilla na hindi pa rin nito tanggap ang transformation ng utol na si Rustom Padilla na pa-girl na at kilala na bilang si BB Gandanghari. Hindi naman daw lingid sa kaalaman ni BB na galit hanggang ngayon sa kanya ang kanyang youngest brother, kaya naman tuwing may get together sa bahay ng kanilang Mommy Eva, para makaiwas sa gulo ay minamabuti na lang nito ang hindi magpunta.

Ang importante raw sa nasabing gay celebrity ay nagkakaintindihan naman sila ng kanyang Mama Eva.

Pero sa isyu ng magkakapatid ay parati pa lang nariryan at sumusuporta ang misis ni Binoe na si Mariel Rodriguez. Siya ang patuloy na kumukumbinsi sa mister na patawarin at tanggapin na nito kung ano man ngayon si Rustom.

Mukhang nagtagumpay naman daw itong si Mariel dahil ang latest ay nagkakausap na raw ang magkapatid at isinama na nga ni Robin sa casting ng movie niyang Kuratong Baleleng si BB na intended sa parating na Metro Manila Film Festival 2012.

Reaction pa ng isang baklitang reporter na close kay Robin, hayaan na lang daw nito ang pagiging babae ng kanyang utol. Tutal, malapit rin naman siya sa mga bading. Remember? Gay ang unang manager ni Binoe na nagpasikat noon sa kanya nang husto. Korek at walang mintis gyud! ‘Di ba, Kapatid na Anthony Solis?

***

ABS-CBN bibigyang buhay ang Pinoy Pop sa Himig Handog

BILANG pagpupugay sa natatanging kakayahan ng mga Pilipinong kompositor, muling inilunsad ng ABS-CBN ang pinakamalaking multimedia songwriting competition na Himig Handog na may temang Pinoy Pop (P-POP) Love Songs.

Sa ikalima nitong taon, muling lilikha ang Himig Handog ng kasaysayan sa larangan ng musika sa pagpapatuloy nitong pagtuklas ng de-kalibreng Filipino composers na may mga obra maestra na tiyak na tatatak sa puso ng mga nakikinig at mamahalin ng maraming henerasyon gaya ng ilan sa OPM classic love songs ngayon na sumikat sa pamamagitan ng songwriting competition na ‘to kabilang ang Hanggang na inawit ni Wency Cornejo; Kung Ako Na Lang Sana ni Bituin Escalante; Kung Ako Ba S’ya ni Piolo Pascual; Bye Bye Na ni Rico Blanco; at This Guy’s In Love With You Pare ng Parokya ni Edgar.

Bukas ang Himig Handog: P-POP Love Songs sa sinumang Pilipinong kompositor (Filipino citizen o Filipino descent); rito o sa ibang bansa, amateur o professional; solo man o grupo na may hanggang tatlong miyembro. Ang isang composer ay maaaring magpasa ng hindi hihigit sa tatlong kanta. Ang mga entry ay maaaring isulat sa wikang Filipino, Ingles, o Taglish at sa anumang kilalang music genre o kombinasyon ng iba’t ibang genres.

Maaari nang magpada ng entries sa pamamagitan ng internet; i-upload lamang ang original love songs sa opisyal na website nitong http://himighandog.abs-cbn.com at sa opisyal nitong Facebook page sa https://www.facebook.com/HimigHandogPPop. Ang huling araw ng pagpasa ng entries ay sa Hunyo 30 Sabado).

Para sa karagdagang detalye, ang mga interesadong sumali ay maaaring bumisita sa Himig Handog Secretariat sa Star Creatives Group, 2/F ABS-CBN Broadcasting Corporation, ELJCC Bldg., Eugenio Lopez Drive, Quezon City 1100, Philippines; tumawag sa 415-2272 locals 3423, 3437, 3415, at 3621; o mag-log on sa official website na http://himighandog.abs-cbn.com/, Facebookfanpage https://www.facebook.com/HimigHandogPPop, o sundan ang @PPop- LoveSongs sa Twitter.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply