Magkakalat sa Makati huhulihin, pagmumultahin

HUHULIHIN at pagmumultahin ang sinumang mahuhuling nagkakalat sa Makati City.

Ito ay matapos na paigtingin ng lungosd kampanya laban sa pagkakalat sa lungsod kasabay ng paggunita sa Civility Awareness Month ngayong Mayo.

Inatasan na ni Makati Mayor Jejomar Erwin Binay ang kanilang Department of Environmental Services (DES) na magpakalat ng mga tauhan sa Central Business District (CBD) na manghuhuli ng mga nagkakalat.

Ani Binay, nakatatanggap ng ulat at sumbong ang kanyang opisina sa walang patumanggang pagtatapon ng upos ng sigarilyo, balot ng mga pagkain, balat ng candy at iba pang basura ng mga taga-Makati, mga dayo at mga bisita lalo na tuwing umaga.

Nanawagan rin si Binay sa mga administrador ng mga gusali at kompanya sa lungsod na bantayan at balaan ang kanilang mga tauhan at mga tenants sa pagkakalat na isang paglabag sa Makati Solid Waste Management Code.

Sinabi ni Binay na maging ang mga may-ari at administrador ng mga gusali ay maaaring magkaroon rin ng pananagutan dahil sa kanilang kapabayaan.

Noong 2011, idineklara sa Makati ang Civility Awareness Month na layong isulong sa taumbayan ang kahalagahan ng Respeto, Restraint (Pagpipigil) at Responsibility (Responsobilidad).

Pinakilos naman agad ni DES chief Danilo Villas ang kanilang mga tauhan katuwang ang Makati Commercial Estate Association (MACEA) para magsagawa ng operasyon partikular sa mga lugar ng Salcedo, Legaspi at Herrera streets. Magtatalaga rin ng mga opisyal ng DES sa mga barangay para manguna sa pagpapatupad ng ordinansa sa buong Makati.

Sa ilalim ng ordinansa, pagmumultahin ng P1,000 ang bawat indibiduwal na mahuhuli habang P5,000 naman sa establisimiyento o korporasyon.

Mula Enero hanggang Abril, umaabot na sa 1,450 nagkakalat ang nahuli sa Makati City kung saan 225 sa mga ito ay mismong mga residente ng lungsod.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply