Buntis nahagip ng bus, todas

TODAS ang isang dalawang-buwang buntis makaraang mabangga ng pampasaherong bus sa kanto ng Boni Avenue at Edsa sa Mandaluyong City.

Nahagip habang nagtitinda ng sigarilyo si Evelyn Dela Peña, 29, ng bus ng Jayross Lucky Seven Tours (TXF 275) na minamaneho ni Mariano Bagtong.

Kinalampag pa umano ng mga nakasaksi ang naturang bus ngunit hindi ito huminto sa pagtakbo.

Samantala, inako naman ng kompanya ng bus ang mga gastusin sa namatay na ginang habang nag-iimbestiga na ang mga awtoridad para agad madakip ang suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply