IBP sa publiko: Pahayag ni Corona pakinggan

NAKIUSAP ang Impeachment Watch ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa publiko na pakinggan ang magiging pahayag ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona sa kanyang nakatakdang pagharap sa Impeachment Court sa Martes, Mayo 22.

Ayon kay Atty. Trixie Angeles, tagapagsalita ng Impeachment Watch, bagama’t hindi maiiwasan na salubungin ng batikos ang bawat kilos ng punong mahistrado, nararapat lamang bilang akusado na ipagtanggol nito ang kanyang sarili.

Samantala, magsasagawa naman ng kanilang caucus ang mga senator-judge sa Lunes, Mayo 21 at muling magpapatuloy ang paglilitis sa Martes.

Ayon sa depensa, si Corona ang huling testigong kanilang ibabala dahil sa napaharap na nito ang ilang mga testigong kanilang hiningi tulad nila Ombudsman Conchita Carpio-Morales, dating Akbayan Rep. Risa Hontiveros, at ang mga kasama nitong nagreklamo sa Ombudsman sa bisa ng subpoena.

Ilan sa mga puntong sasagutin ng punong mahistrado ay ang hindi pagdedeklara ng ilang ari-arian nito sa kanyang statement of assets,
liabilities and net wortt (SALN), mga tagong yaman tulad ng kanyang peso at dollar accounts at ang usapin ng Basa Guidote Enterprises na
pagmamay-ari ng kanyang asawang si Cristina.

Una rito, nais sana ni Senate Impeachment Court Presiding Judge Juan Ponce Enrile na sa Lunes paharapin si Corona ngunit dahil pag-aaralan pa umano ng depensa ang ilang detalye hinggil sa mga bank accounts nito ay nagpasya si Enrile na sa Martes na ituloy ang paglilitis.

Agad namang pumabor ang mga taga-prosekusyon ngunit pinatiyak ni Enrile sa mga taga-depensa na wala nang atrasan ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply