6 sugatan sa sumabog na granada sa Maynila

ANIM ang sugatan makaraang sumabog ang isang granada sa loob mismo ng isang restaurant sa Quiapo, Manila bandang alas-11:00 kagabi, Mayo 16.

Ayon sa report ng dzBB ngayong umaga, dalawa sa mga biktima ang isinugod sa Ospital ng Maynila na nakilalang sina Hashni Salas, 35; at Gina Bautista, 28.

Naganap ang pagsabog sa isang restaurant sa kanto ng Quezon Boulevard at C.M. Recto Avenue.

Patuloy pa ring bineberipika ng pulisya kung may kaaway ang mga naging customer ng naturang restaurant at hinagisan ito ng granada.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply