Claudine, Raymart humingi ng proteksyon sa korte vs Tulfo brothers

TALIWAS sa ipinakitang katapangan sa YouTube video na nagpapakitang tumutulong sa paggulpi sa kolumnistang si Mon Tulfo, humihingi na ngayon ng proteksyon sa Quezon City court ang aktres na si Claudine Barretto para mabigyan siya ng proteksyon at ang kanyang mister na si Raymart Santiago laban sa Tulfo brothers.

Luhaan na lumutang sa sala ni Judge Bayani Vargas ng Quezon City Regional Trial Country Branch 219 ang beteranang aktres at sinabing “I am begging you. Please hear our plea. Please grant our petition. We have two kids and they can hardly go out of the house,” pahayag nito sa pagitan ng kanyang mga hikbi.

Nauna nang nagsampa ang mag-asawa ng writ of Amparo na humihiling sa korte ng proteksyon sa mga mas nakababatang kapatid ni Tulfo na sina Raffy, Ben at Erwin dahil sa pagbabanta laban sa kanila ng television show na “T3.”

Sinabi ni Barretto sa korte na natatakot siya para sa buhay ng kanyag mister dahil hindi niya umano alam kung makakabalik pa ito kapag umalis na ito sa kanilang bahay.

“I know the threats are serious. They are capable; they have a private army,” dagdag pa nito na ang tinutukoy ay ang mga magkakapatid na Tulfo.

Gayunman, itinakda ng naturang hukom ang isa pang pagdinig ng petisyon ng mag-asawang Claudine at Raymart sa darating na Lunes. Mayo 21.

Sa kabilang dako, sinabi naman ng isa sa mga abogado ng magkakapatid na Tulfo na si lawyer Nelson Borja, na hindi niya naisip na totoong may banta sa buhay ng mag-asawa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply