Jessica Sanchez vs Phillip Phillips sa American Idol season 11 finale

KAABANG-ABANG ang season finale ng American Idol sa susunod na linggo kung saan magpapatagisan ng galing ang top 2 Idol finalist na sina Filipino-American-Mexican Jessica Sanchez at crowd favorite na si Phillip Phillips.

Matatandaan na si Phillips ay hindi man lang natawag sa bottom list ng mga nagdaang elimination night patunay lamang na marami ang sumusuporta sa guwapong singer.

Hindi naman nagpatalo ang mga fans ni Jessica Sanchez mula nang muntik siyang mapauwi noon nang makakuha ng pinakamababang boto.

Magugunitang naisalba lamang si Jessica ng one-time save power ng mga Idol judge na sina Steven Tyler, Jennifer Lopez at Randy Jackson.

Si Jessica rin ang Pinoy na pinakamalayo ang narating sa American Idol dahil naungusan na niya si Jasmine Trias na nakaabot sa top 3 noong season 3.

Kung papalarin si Jessica na maiuwi ang titulong American Idol season 11 champion ay siya rin ang kauna-unahang Idol na nanalo na nailigtas lamang sa one-time save power ng mga judge.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply