Annabelle Rama tatakbo bilang kongresista sa Cebu

KINUMPIRMA ng talent manager na si Annabelle Rama ang kanyang pagtakbo bilang kongresista sa Cebu sa 2013 midterm elections.

Ayon sa report, nasa Cebu ngayon ang talent manager upang magparehistro bilang botante ng naturang lalawigan. Ito ay paghahanda na rin umano sa darating na eleksyon.

Magugunitang, nauna nang kinumpirma ng talent manager ang kanyang pagtakbo sa kanyang  official Twitter account.

“Mali ka. I’m running for congresswoman of Cebu @KhymaLey: @annabellerama2 Wow! you’re running indeed to be a councilor! Good Luck!”

Hahanay si Rama sa tiket ng kanyang pinsan na si Mike Rama, na mayor ng Cebu City.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply