Claudine at 2 tinalakang CebuPac employee bati na

NAGKAAYOS na ang aktres na si Claudine Barretto at dalawang sinermunang empleyado ng Cebu Pacific.

Ayon sa balita sa telebisyon, nagkausap at nagkaayos na si Claudine at dalawang staff ng nasabing airline na sina Charice Bocboc at Christine Ann Ilagan.

Mismong si Claudine ang lumapit at humingi ng apology sa dalawang empleyado.

Tinanggap naman ng mga ito ang paghingi ng tawad ni Claudine at itinangging pinagmumura sila ng aktres.

Ikinagulat rin umano ng mga magulang nina Charice at Christine ang lumabas na balita na idedemanda nila si Claudine.

Anila, public apology lamang ang kanilang hinihingi mula sa aktres.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply