14-anyos kasambahay pinagnakaw ng dyowa

KAPWA kulong ang 14-anyos na kasambahay na dalagita at ang kanyang nobyo matapos utusan ng huli na pagnakawan ang amo ng una sa Caloocan City kahapon (Mayo 3).

Nahaharap sa kasong Qualified Theft ang dalagita habang Accessory naman at illegal possession of deadly weapon ang ikinaso kay Marlou Manile, 25 ng Sitio Mendez, Baesa Quezon City.

Sa imbestigasyon ni PO2 Rommel Bautista, tinangay kahapon ng umaga ng dalagita ang tatlong gintong kuwintas na nagkakahalaga ng P60,000, cash na P30,000 at Ipod na nagkakahalaga ng P10,000 sa among si Jhon Estefan Yap ng Kaunlaran Village ng lungsod.

Nang madiskubre ng biktima, agad na humingi siya ng tulong sa mga pulis at natunton ang pinagtataguan ng magnobyo kagabi.

Ipod na lang ang nabawi ng biktima.

Inamin din ng dalagita na inutusan siya ng nobyo na pagnakawan ang amo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply