14-anyos na buntis di pinanagutan, nagbigti

NAGBIGTI ang isang 14-anyos na buntis sa Barangay Basak, Compostela, Cebu makaraang hindi panagutan ng kanyang boyfriend.

Ayon sa ulat, binista ng dalagitang hindi pinangalanan ang boyfriend upang ipaalam ang kanyang kalagayan ngunit iniutos umano nito na iplaglag ang bata.

Napansing malungkot ang biktima na umalis ng bahay. Ilang oras pagkabalik ay nakita na lamang itong nakabigti sa loob ng kuwarto ng kanyang lola.

Patuloy ang imbestigasyon sa pangyayari.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply