14-anyos pahinante nahulog sa trak, basag ang bungo

BASAG ang bungo ng 14-anyos na lalaki na umano’y isang pahinante nang mahulog sa sinasakyang trak sa Quezon City, kaninang hatinggabi.

Dead on arrival sa FEU General Hospital ang biktimang si Jeric Oranes na residente ng Katuparan St. Barangay Commonwealth, Q.C. bunga ng pinsala sa ulo.

Batay sa isinumiteng ulat ng Quezon City District Traffic Enforcement Unit (DTEU), Traffic Sector 5, naganap ang insidente dakong 12:00 ng hatinggabi sa harapan ng Commission on Audit (COA) sa nasabing lugar.

Lumitaw sa imbestigasyon na nakasakay sa itaas ng orward truck (RPK-794 ) ang biktima nang mawalan umano ito ng balanse hanggang sa mahulog at bumagsak sa kongkretong kalsada.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply