14 Chinese vessel sa Scarborough hayaan

HAYAAN na lamang muna ang 14 na Chinese vessel na dumating sa Scarborough Shoal o Panatag Shoal. Ito ang sinabi ngayon ng Malakanyang.

Ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda, hayaan lamang muna na mangisda sa ating karagatan ang mga Chinese fishermen na lulan ng mga naturang vessel.

Ani Lacierda, ito ay upang maiwasan na lalong lumala ang iringan ng China at Pinas sa pinag-aagawang Scarborough Shoal.

Sa ngayon, ay idodokumentaryo na lamang muna ng mga kinauukulan ang galaw ng mga Chinese vessel upang magamit na ebidensya sa oras na magkaroon ng pagdinig sa International Tribunal on the Law of the Sea (ITLOS).

Una nang kinumpirma ng Northern Luzon Command na ilan sa 14 na fishing vessel ng China ay may sakay na mga mangingisda na nangunguha ng mga yaman-dagat gaya ng giant clamps at mga coral sa Panatag Shoal.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply