14 milyon Pinoy walang trabaho – SWS

NAUNGUSAN pa ni Pangulong Benigno Noynoy Aquino III ang record ni dating Presidente Gloria Macapagal Arroyo sa naitalang unemployment rate ng  Pilipinas sa ilalim ng  kanyang adminsitrasyon matapos na
pumalo ito sa tinatawag na ‘all time high”.

Sa pinakahuling sarbey ay lumalabas na lumobo na sa kulang na 14 milyong Filipino ang jobless sa i1lalim ng Aquino administration habang ang mga may trabaho naman ay umaangal sa napakababang arawang
sahod sa likod ng panibagong wage order na angtatakda ng bagong minimum wage sa mga obrero.

Base sa lumabas na resulta ng March 2012 survey ng Social Weather Stations  kung saan naitala ang 34.4% o 13.8 milyon ang walang trabaho o mas mataas ng 10% kumpara noong December 2012 na 24% 0 9.7 million.

Kaugany nito ay nalampasan pa ni Pnoy ang dating record na 34.2% na naitala noong February 2009 sa panahon ni dating pangulong Gloria Arroyo.

Una rito, naitala rin sa kasalukuyang administrasyon – ang mataas na bilang ng mga nagugutom at paglobo ng mga pamilyang nagsasabing sila ay  naghihirap.

Kaugnay nito, aminado si Labor sec. Rosalinda Baldoz  na hindi pa ganap na naso-solusyunan ng gobyerno ang problema sa unemployment rate ng maraming mamayan sa bansa.

Samantalang naniniwala naman ang ekonomistang si prof. Ben Diokno na sa kabila ng pagdami ng populasyon sa bansa  hindi pa rin sapat ang pagtatayo ng bagong industriya para sa pagkakaroon ng kabuhayan ng taumbayan.

Kamakailan ay  inaprobahan ng regional Wage Board sa Metro Manila ang panibagong wage order na nagkakaloob ng P30.Cost of Living Allowance (Cola) dagdag sa daily basic pay ng mga mangagawa sa  National Capital Region.

Dahil ditto ay umaabot na ngayon sa  P456 ang kasalukuyang minimum daily wage rate ng mga mangagawa sa kalakhang Maynila.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply