Miyembro ng Sputnik gang itinumba sa Makati

PATAY ang isang miyembro ng “Sputnik Gang” matapos paulan ng bala ng hindi pa nakikilalang salarin sa Barangay Tejeros, Makati City.

Nabatid na nakikipag-iinuman lamang sa isang club sa Pasong Tamo St. si Ruel De Guzman, 29, nang magpaalam ito sa mga kaibigan na sasamahan ang isa pa nilang kaibigan na nakilala lamang sa alyas na “John-John.”

Ngunit makaraan ang 30 minuto, pumailanlang ang putok ng baril kaya’t hinanap ng mga naiwang kaibigan ang biktima.

Natagpuang nakabulagta sa kanto ng Yague at Pasong Tirad ng naturang barangay ang biktima na may tama ng bala sa dibdib at ulo.

Kasalukuyan pang inaalam ng pulisya kung may kinalaman si alyas John-John sa naturang krimen.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply