School supplies watch pinaigting sa mga palengke

PINAIGTING na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagbabantay sa mga presyo at kalidad ng school supplies lalo na sa mga palengke.

Ayon sa DTI ang school supply watch ay ipinatupad sa pakikipagtulungan ng Food and Drug Administration (FDA), Department of Education (DepEd) at local government units (LGUs) upang matiyak na hindi magkakaroon ng over pricing at hindi mapapasok ng mga nakakalasong gamit ang pamilihan.

Ipinaalala rin ng DTI ang umiiral na suggested retail price (SRP) ng ilang gamit. Ang kuwaderno (composition/writing o spiral) ay nasa P10 hanggang P15.75 lamang, ang pad paper para sa grade 1 hanggang grade 4 ay dapat nasa P9 hanggang P28.75 lamang, habang ang intermediate pads ay nasa P14 hanggang P25.75.

Ang mga lapis naman ay nasa P9.50 hanggang P30.75 lamang, crayons ay  P11 hanggang P11.75 habang ang mga ball pen ay dapat nasa P5.75 hanggang P17.75 lamang.

Posibleng gumalaw pa ang presyo ng lapis at crayon dahil sa paggalaw sa presyo ng kahoy at petryolo subalit hindi dapat lumagpas sa P6.00
ang pagtaas ng presyo ng mga crayon habang hindi naman lalagpas sa P3.00 ang dagdag sa lapis.

Muling nanawagan ang DTI sa manufacturers na sundin ang labeling requirements na nakalagay dapat ang pangalan at address ng manufacturer.

Nakamarka dapat sa label ang brand name, uri ng produkto,kung saan bansang ginawa, toxicity warning at ang instruction sa paggamit.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply