State of calamity ideneklara sa Naga City sa pagtaas ng kaso ng dengue

ISINAILALIM na sa state of calamity ang Naga City dahil sa pagtaas ng kaso ng dengue sa lungsod sa loob ng limang buwan.

Nabatid sa ulat, na naitala ang 242 kaso ng sakit sa pagsisimula pa lamang ng taon (2012).

Noong Enero nasa 68 katao ang tinamaan ng nasabing sakit, 29 noong Pebrero, 85 noong Marso, 51 nitong Abril at siyam ngayong Mayo.

Ipambibili ng sangguniang panlungsod ang makukuhang pondo ng gamot at ilang kagamitan upang masugpo ang lumalala pang kaso ng nakamamatay na sakit.

Magsusumite naman ng petisyon ang alkalde ng lungsod upang mapagtibay ang nasabing panukala.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply