Senado nagdagdag na ng seguridad

NAGDAGDAG na ng seguridad ang Senado para sa inaasahang pagdagsa ng mga taong nais makasaksi sa pagharap si Supreme Court Justice Renato Corona sa impeachment court mamayang hapon.

Nabatid na mula sa dating 175 na upuan sa audience gallery ng session hall ay gagawin itong 200 ngunit ipaprayoridad ang mga senior citizen.

Dakong alas-10:30 magsisimulang mag-isyu ng passes.

Ipagbabawal din sa session hall ang anumang propaganda, anti man o pro-Corona.

Bawal din ang pagsusuot ng t-shirt o pin na nagsasaad ng pagkondena o pagpabor sa punong mahistrado.

Nagbabala naman si Senate Majority Leader Tito Sotto na bawal ang maingay sa loob ng impeachment court.

Mahigpit ding ipatutupad ni Senate President Juan Ponce Enrile ang 2-minute rule sa pagtatanong sa sinumang tatayong testigo kabilang ang punong mahistrado.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply