Jaywalkers mahigpit na babantayan ng MMDA

PINAIGTING pa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagbabantay laban sa mga pasaway na jaywalker sa Metro Manila.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, ang pagpapatupad ng no jaywaling ay bilang paghahanda na rin sa darating na pasukan sa Hunyo 4 na nakatakda at makipagpulong sa mga city mayor para sa ilulunsad na information drive.

Nabatid na isa rin sa dahilan ng pagsisikip ng daloy ng trapiko ang mga pasaway na tumatawid sa kalsada kahit na ipinagbabawal at hindi gumagamit ng overpass.

Kasabay nito, aminado si Tolentino na hindi sa lahat ng oras ay may nakatalagang traffic enforcer sa mga ipinagbabawal na lugar kaya naman nagpataw na sila ng kaukulang multa at community service sa sinumang mahuhuling nagdye-jaywalking.

Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na ang MMDA sa Department of Education upang alamin ang mga lugar na kinakailangang magtalaga ng sapat na bilang ng mga traffic enforcer na manghuhuli sa mga jaywalker.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply