Parang inahing baboy na laging binubulog!

KUNG ganda lang din at husay sa pag-arte ang pag-uusapan, hindi sana pahuhuli itong si Katherine Luna. Kaya lang, parang may baltik yata sa utak ang sexy actress na ito dahil instead na tanggapin niya ang mga project na ino-offer sa kanya ng mga TV stations at mga independent at big movie outfits, mas type pa nitong magpabuntis na lang nang magpabuntis sa iba’t ibang lalaki.

Hayan at laman na naman siya ng blind item na nagdadalantao sa isang non-showbiz guy. Please! huwag namang kapitbahay lang ni Katherine sa isang squatter area ang nakadisgrasya sa kanyang Papa. Kasi hindi na naman siya kayang buhayin nito.

Dati, para mabuhay ang tatlong anak, nagtinda na ng barbeque at kung anu-ano pa ang dating alaga na ito ni Boy Palma. Ano naman kaya ang ititinda ngayon ni Katherine para masustentuhan nito ang kanyang pagbubuntis? Kalokah ka talaga girl! Para kang inahing baboy na binubulog para anak nang anak. Low IQ gyud!

***

Sam Pinto at Bela Padilla pasok sa top 10 ng sexiest women In the world 2012 ng FHM

HINDI man mag-effort si Sam Pinto at ang kampo ng pretty sexy actress, especially ang manager na si Ms. Claire dela Fuente, para makakuha ng boto, wala ng dapat pang ika-insecure si Sam kung nasa unang puwesto ngayon ng Top 10 Sexiest Women in the World 2012 ng FHM si Angel Locsin. Dahil aside sa pumapangalawa siya kay Angel, last year ay siya ang winner bilang No.1 Sexiest Women in the World ng nabanggit na sikat na Men’s Magazine. At ang co-talent ni Sam kay Ms. Claire na si Bela Padilla ay may laban rin na malapit na pumuwesto sa 7th slot.

Ilan pa sa mga pasok rito ay sina Toni Gonzaga, Jennylyn Mercado, Solenn Heusaff, Marian Rivera, Cristine Reyes at Ellen Adarna. Partial results pa lang naman ang mga ‘yan. At puwede pang mabago pagdating ng final counting voting. Malay natin, humabol si Bela at maging winner pa? By the way, very happy pala si Sam at napasama siya sa casts ng Boy Pick-Up na pinagbibidahan nila ni Ogie Alcasid at Solenn. Feeling nito, ito ang magiging first hit movie niya since pasukin niya ang paggawa ng movies.

Kay Bela naman, thankful ang mahusay na actress dahil hindi siya pinababayaan ng GMA7 sa kanyang career. Napanonood siya now sa Hiram Na Puso at Manny Many Prizes ni Cong. Manny Pacquiao.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply