Pinoy sa US at Pinoy sa Pinas all-out-support kay J. Sanchez

MANILA, Philippines — All-out-support ang mga Filipino sa Estado Unidos at dito sa Pinas para kay Jessica Sanchez na lalaban ngayon sa American Idol final showdown kay crowd favorite Phillip Phillips.

May balita na maraming Pinoy sa US ang nagpaplanong mag-half day sa kanilang trabaho para tutukan ang final showdown at suportahan ang Pinay pride.

Todo-suporta rin ang mga kamag-anak ni Jessica sa Bataan na maaga pa lang ay nakagayak na at naka-suot ng mga t-shirt na nagpapakita ng suporta sa young singer.

Marami ring Pinoy sa netizen ang ipinangangampanya si Sanchez para manalo sa pinakasikat na singing competition sa mundo.

Maging ang mga local celebrity gaya ng ilang Kapamilya stars, Kapuso stars at Kapatid stars ay nakasuporta at naniniwala kay sa talento ni Jessica Sanchez.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply