UPDATE: Corona hihintayin hanggang sa Biyernes

NAPAGKASUNDUAN ngayon na hihintayin ng impeachment court si Chief Justice Renato Corona hanggang sa Biyernes, Mayo 25.

Sinabi ni Senate President at presiding judge Juan Ponce Enrile na kailangang paharapin si Corona sa Biyernes para ipagpatuloy ang impeachment trial.

Ang punong mahistrado ay kasalukuyang nasa intensive care unit (ICU) ng The Medical City sa Pasig City matapos na bumaba ang sugar level nito at magkaroon ng atake sa puso.

Itinakda naman ang oral argument sa Lunes, Mayo 28 at posibleng ilabas ang desisyon sa Martes, Mayo 29.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply