Walang binesang manager!

DALA-DALA namin ang pagkayamot sa opisina ni Joji Dingcong nu’ng magbakasyon kami sa Bangkok dahil sa pambibitin ng mga alaga niya sa nakaraang show namin sa Klownz, Quezon Avenue. Mabait, ma-PR at magaling makisama si Joji bilang manager pero nakakaloka ang ilang talents niya.

Never namang ginawa ito ng mga sikat niyang alaga gaya nina Derek Ramsay, Matteo Guidicelli, Bianca Manalo tapos mga ek lang na talents niya ang magpapa-stress sa amin?

Grabeng konsumisyon dahil one week before the show ay sinabihan na kaming hindi makasisipot si Paolo Ballesteros dahil may hearing daw sa Baguio kinaumagahan. Nagawa na ang posters, tickets, tarpaulin, teaser at na-promote na sa mga dyaryo at social network pero nabiktima kami ng isang unprofessional na talent.

Nakiusap kami sa handler niya na baka puwedeng isalang na si Paolo nang maaga dahil ilang oras lang naman ang biyahe sa Baguio pero hindi raw puwede. Pasalamat na lang ang Paolo na ‘yan na nasa ‘Eat Bulaga’ pa siya, kung hindi mawawalan na rin siya ng career.

Humingi ng paumanhin si Joji at gusto na nga niyang bitawan si Paolo dahil sa ginawa niya. Nag-offer na lang siya na ibibigay niya ang alaga niyang PBB Teen Big Winner na si James Reid.

Umuo kami kaya nagpa-layout kami ng bagong poster, ticket at pati teaser ay pinapalitan kahit dagdag sa expenses. Wala na kaming choice dahil anim na araw na lang show na.

Pero grabeng stress rin ang ibinigay ni James Reid. 6 pm tumawag ang handler niya na hindi ito makararating dahil may sakit raw. Hindi makabangon. Ganoon? Kung kailan maggagabi na, saka lang sasabihin na hindi makasisipot sa show. Ganyan na ganyan din ang dahilan ng opisina ni Joji noong ibitin ni Derek Ramsay ang fund raising show ng PMPC last year.

Buti na lang, sina Jose Manalo at Wally Bayola ang main artists sa show kaya nairaos pa ring masaya ang show kahit may mga nagbalik ng tickets dahil sa mga unprofessional na tao. Kahit napagod kami sa kai-explain sa mga taong nagtatanong sa gate kung bakit wala si Paolo o kaya si James Reid. Buti na lang solve sila kay Boobsie Wonderland sa pagpapatawa nito at ganoon din kay Yachang na havey pa rin mag-comedy lalo na’t pinaglaruan siya nina Jose at Wally. Last minute ay kinontak si Yachang para masalo lang ang pambibitin ng mga taong hindi matinong kausap.

Sana lang, wag na ulitin ng opisina ni Joji Dingcong ang ganitong pangyayari sa iba dahil hindi nila alam ang grabeng tension na ginawa nila.

Bukod dito, nagre-reflect din sa kanya bilang manager dahil parang hindi niya kayang i-hold ang mga alaga niya. Hindi magandang image ng opisina niya na nambibitin ng show ang kanyang mga alaga. Hindi rin kayang bayaran ng salapi ang ginawa nilang tension at pambibitin.

Sabi ko nga sa kanya sa text, hindi masamang tumanggi na ibigay ang talent kung hindi talaga available dahil makahahanap pa naman ng iba. Pero sana, ‘wag silang magpaasa, mag-commit at oo nang oo tapos ‘di naman kayang panindigan sa bandang huli.

Hay!

-0o0-

TINUPAD ni Wako-Wako ang hiling ng ating mga Kapamilya na sumali sa kanyang promo na “Dear Wako, ano ang wish mo?” Ginanap ang pagtupad sa mga kahilingang ito sa Glorietta 5 Atrium nu’ng Sabado (May 19, 2012) 3pm. Nagtapos ang promo noong May 11 at lahat ng napiling kahilingan ay ipagkakaloob na.

Kasama ni Wako-Wako ang kanyang mga co-stars na sina Liezl Garcia, Franco Daza, Gladys Reyes at Vandolph Quizon. Hindi lamang ‘yan, nakasama rin nila ang kontrabidang si Ukaw Ukaw.

Bukod sa pagtupad niya sa mga kahilingan ng ating mga Kapamilya, naghatid din ng mga kapana-panabik na performances si Wako Wako. Kasama nito ang mga kaibigang sina Ryan Bang at Melai Cantiveros.

Kagagaling lamang ni Wako-Wako sa Davao ngunit sadyang hindi napapagod ang ating bida sa pagpapasaya sa ating mga Kapamilya.

Samantala, ‘wag naman palalampasin ang nalalapit na pagtatapos ng palabas na pinagbibidahan ng paborito nating Arukan at bestfriend nating si Wako Wako, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng PBB Teen Edition 4: Uber 2012.

Bukod kina Wako Wako, dumating din ang cast ng “LUV U” na sina Miles Ocampo, Marco Gumabao, Kiray Celis, Igiboy Flores, CJ Navarro, Angeli Gonzales, at Rhap Salazar. Hindi lamang magpapasaya ang mga bituin, magpapakilig din sila kasabay ang pag-aanyaya nila sa kanilang mga fans na patuloy na suportahan ang pagsisimula na Season 2 ng “LUV U.”

Huwag na huwag palalampasin ang pagkakataong makasama ang mga paborito mong stars sa “Luv U Wako Wako Toda Max na ‘to” mall tour!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply