22 kasapi ng Ladlad nasa hanay ng PNP

IPINAGMALAKI ngayon ng Ang Ladlad Party-list na mayroon silang 22 miyembro na nasa hanay ng Philippine National Police.

Ayon sa grupo, isa sa 22 ay may ranggong police superintendent o katumbas ng colonel na sinasabi nilang lantad na bading.

Posible ring may mas mataas na ranggo pa umano ang nagkukubli sa kanilang closets.

Sinabi ni Ang Ladla national chairperson Bemz Benedicto, na sa 22 police officer, 14 dito ay bakla habang ang walo ay tomboy.

Naniniwala rin ang grupo na maaaring mas mataas pa ang bilang ng mga bakla sa PNP ngunit mas piniling huwag lumantad dahil sa takot sa diskriminasyon.

Dalawang kongresista ang nagpanukalang payagan ang mga bakla na makapasok sa PNP, kabilang na si Agham Partylist Rep. Angelo Palmones, na naniniwalang maraming nasa serbisyo na baklang pulis na ayaw lamang lumantad.

Una na ring tiniyak ng pamunuan ng PNP na wala silang diskriminasyon laban sa gays at lesbians.

Ayon kay PNP Spokesperson Senior Superintendent Gene Cerbo, hindi nila tinitingnan ang sexual orientation dahil mas nakapokus sila sa pagiging mentally at physically fit, may good moral character at pumasa sa requirements ang mga mag-aaplay na pulis, bakla man ito o tomboy.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply