9-anyos minolestiya ng padyak boy

KALABOSO ang isang pedicab driver matapos ireklamo ng pangmomolestiya sa batang kalugar sa Paco, Manila.

Sa halip na maabsuwelto, lumabas pang katawa-tawa ang suspek na si Jeffrey Navia, 28, binata, ng PNR Compound, Paco nang idepensa nito ang sarili sa akusasyon sa pagsasabing ‘magsyota sila’ ng 9-anyos na biktima.

Ayon sa pulisya, dakong alas-3:00 ng hapon noong Miyerkules nang huling molestiyahin ng suspek ang biktima habang nakikipanood ito ng telebisyon.

Diumano, nagtaka ang ina ng bata nang magreklamo ito ng pananakit ng ari habang pinaliliguan niya ito.

Nang malaman ng ginang ang kababuyan ng suspek ay agad niya itong inireklamo sa kanilang barangay at ipinadakip.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply