NPA todas sa sagupaan sa Camarines Norte

PATAY ang isang kasapi ng rebeldeng New People’s Army sa patuloy na hot pursuit operation na inilunsad ng Philippine Army sa lalawigan ng Camarines Norte.

Nabatid kay Maj. Angelo Guzman, tagapagsalita ng 9th Infantry Division, nagpapatuloy pa ngayon ang panaka-nakang palitan ng putok sa pagitan ng sundalo ng 9th Scout Ranger Company at grupo ng NPA sa bayan ng Capalonga, sa nasabing lalawigan.

Nagsasagawa ng combat operation ang mga sundalo sa nasabing lugar nang makasagupa ang hindi pa malamang bilang ng mga rebelde dakong alas-7:50 ng umaga.

Narekober naman ang isang M-16 armalite rifle at isang laptop.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply