UPDATE: Article 2 unang pinagbotohan

UNANG pinagbotohan ng mga senator-judge ang ikalawang artikulo ng Articles of Impeachment.

Sa pamamaraang alphabetical order, isa-isang tumayo ang mga senator-judge upang bomoto at ipinaliwanag ang kanilang boto kung guilty ba o hindi si Chief Justice Renato Corona sa article 2 na may kaugnayan sa kulang na pagtatala ng punong mahistrado sa kanyang statement of assets, liabilities and net worth (SALN) na itinatakda ng 1987 Constitution.

Unang bomoto si Sen. Edgardo Angara na naniniwalang guilty ang punong mahistrado sa nasabing artikulo. Sumunod naman si Sen. Joker Arroyo na bomoto ng not guilty, Sen. Alan Peter Cayetano (guilty), Sen. Pia Cayetano (guilty), Sen. Miriam Defensor Santiago (guilty), Sen. Frankiln Drilon (guilty), Sen. Chiz Escudero (guilty), Senator Jinggoy Estrada (guilty), Sen. Teofisto Guingona (guilty), Sen. Gringo Honasan (guilty), Sen. Panfilo Lacson (guilty) at Sen. Lito Lapid (guilty).

Naniniwala rin ang mag senador na sina Loren Legarda, Sergio Osmeña III, Francis Pangilinan, Koko Pimentel, Ralph Recto at Bong Revilla na guilty si Corona sa nasabing artikulo habang not guilty naman ang boto ni Sen. Bongbong Marcos.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply